Duterte kay Robredo: ‘Wag tumakbong presidente, wala kang alam

Vice President Leni Robredo
The STAR/File

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na huwag itong kumandidatong presidente sa halalan sa 2022 dahil wala itong kakayahan.

“Huwag kang tumakbo sa pagka-pangulo, wala kang alam. Wala kang…..ayokong sabihin pero dalawang beses kang kumuha ng bar,” sabi ni Duterte kay Robredo na tinanggal niya kamakailan bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Nagbabala rin ang Pangulo sa mga mamamayan na “madidisgrasya” kapag si Robredo ang naging Pangulo.

“Disgrasya kayo pag si Leni ang… subukan n’yo,” wika niya.

Nilinaw ni Duterte na wala siyang planong tumakbo sa ikalawang termino o mag-endorso ng kandidato sa 2020 presidential elections.

“Now, Filipinos listen to me, I am no longer running (for any post), if you vote for her disgrasya kayo,” wika ng Pangulo.

Ininsulto pa ni Duterte si Robredo, na isang abogada, na hindi nalalaman ang batas.

Sinabi pa ni Duterte na sinunod lang niya ang hiling sa kanya ni Sen. Francis Pangilinan na tanggalin na lang niya sa ICAD si Robredo kung wala siyang tiwala rito.

Show comments