Tisoy pumasok na sa PAR

MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Tisoy na may international name na Kammuri.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at bugso na 185 kph.

Kaugnay ng bagyo, nakataas ang signal no. 1 sa Northern at Eastern Samar.

Hindi naman inaasahan na magiging super typhoon si Tisoy pero magpapa-ulan ito sa Lunes sa buong Bicol Region at Samar provinces.

Makakaranas naman ng pag-ulan ang Metro Manila, maraming lugar sa Central Luzon at Southern Luzon pero mas magiging malakas ang ihip ng hangin at ulan sa mga lugar na ito sa araw ng Martes at Miyerkoles.

Aabutin pa ng hanggang Huwebes si Tisoy sa bansa kaya pinag-iingat ng PAGASA ang publiko.

Show comments