PSA hiling ipasiyasat

MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ni House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang ‘regulatory bodies’ at mga kinauukulang ahensiya na pag-aralang mabuti ang lahat ng power supply agreement (PSA) na papasok na ‘power utilities’ at tiyaking makakabuti ito sa lahat ng Filipino consumers.

Ayon kay Zarate, sa nangyayari ngayon ay laging dehado ang mga consumers lalo pa at ilang araw nang naka-yellow alert na posibleng maging sanhi sa pagtaas na naman ng singil sa kuryente dahil sa sabay-sabay umanong nasira ang mga power plants, na mula pa taong 2012 nangyayari.

Binigyang diin ng kongresista, ang dagdag na P1.80 per kilowatt-hour ay magiging pahirap sa mga power consumer kung ipapasa ng power firm ang pagdami ng konstruksiyon ng Atimonan One Energy Inc. (AIE).

Nagbabala ang Bayan Muna solon na ang naiulat na P15 bilyon na karagdagang halaga ng Atimonan One’s interest at pagtataas ng presyo sa mga imported equipment na nagkakahalaga ng P1.80 per kwh ay magiging P7.46 per kwh na ang power rate ng planta.

Show comments