^
Unemployment tumaas - SWS
Ayon sa survey, tumaas sa 21.5 porsi­yento ang unemployment rate mula sa dating 9.8 mil­yon o 20.7 porsiyento noong June at 9.4 milyon (19.7%) noong March.
STAR/File

Unemployment tumaas - SWS

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 10 milyong Filipino na ang walang trabaho sa 3rd quarter ng 2019, base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Ayon sa survey, tumaas sa 21.5 porsi­yento ang unemployment rate mula sa dating 9.8 mil­yon o 20.7 porsiyento noong June at 9.4 milyon (19.7%) noong March.

Sa 21.5 porsiyento, 4.4 milyon (9.5%) sa mga na-survey ay nagsabi na kusa silang nagbitiw sa trabaho; 3.9 milyon (8.4%) ang na-retrenched; 2.7 mil­yon ang natapos na ang kontrata; 1.6 milyon ang unang beses pa lang naghahanap ng trabaho; 621,000 ang nagsara na ang pinapasukan at 596,000 ang natanggal sa trabaho.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 27-30, 2019.

Ang “adult joblessness” ay tumaas sa Luzon (25% o 5.3 miyong adults), Mindanao (19.9% o 2.2 milyon), at Metro Manila (24.5% o 1.6 milyon) at Visayas (11.8% o nasa 934,000 adults).

Mas mataas ang “adult joblessness” sa mga babae kaysa sa mga lalaki.

Umabot sa 1,800 adults ang face-to-face na tinanong sa survey na may edad 18 taong gulang pataas.

Samantala, nasa 53% ang naniniwala na magkakaroon ng mas mara­ming trabaho sa dara­ting na 12 buwan mula ngayon habang 13% ang nagsabi na mas mababawasan ang trabaho.

 

UNEMPLOYMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with