‘Sarah’ humina, palabas na ng PAR

MANILA, Philippines — Humina na ang bagyong Sarah at hindi na inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan sa bansa.

Sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, taglay ni Sarah ang lakas ng hangin na 85 kph at bugso na 105 kph.

Namataan ito sa layong 430 km hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Dahil naman sa epekto ng hanging amihan, magdudulot ang bagyo ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa buong Metro Manila, Bicol Region, Aurora, Quezon, Rizal, Laguna at Bulacan.

Si Sarah ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Sabado ng umaga.

Show comments