Ito ang mga naging katanungan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Commission on Human Rights (CHR) matapos niya itong igisa sa Senate plenary interpellations para sa panukalang budget ng komisyon sa susunod na taon.
Geremy Pintolo/FIle
CHR ginisa ni Sen. Go
(Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Did you do anything to help stop the drug problem before? Napakarami ng human rights abuses due to illegal drugs. Alam nating lahat iyan. Pero bakit parang lumalabas na nabuhay lang ang CHR these past few years? Nasaan kayo dati?”

Ito ang mga naging katanungan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa Commission on Human Rights (CHR) matapos niya itong igisa sa Senate plenary interpellations para sa panukalang budget ng komisyon sa susunod na taon.

Unang pinuna ng senador ang tila naging pagpapahalaga pa ng CHR sa buhay ng mga drug criminals kaysa buhay ng inosenteng nabibiktima ng mga ito. 

Iginiit ni Go na dapat ay maging patas ang CHR at hindi maging “selective” sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga umano’y human rights violations sa war on drugs. 

Dahil dito, tiniyak ng CHR kay Go na wala silang papanigan at magiging neutral sa kanilang mga pagsisiyasat sa pagsasabing ang komisyon ay isang “independent, nonpartisan oversight institution”. 

Bilang vice chair ng Senate committee on finance, kinuwestyon din ni Go kung paano ginagamit ng CHR ang badyet nito.

Ayon sa senador, ang tungkulin ng CHR ay imbestigahan o habulin ang lahat ng uri ng human rights violations, kabilang ang civil and political rights, kahit pa ito ay ginawa ng public officers, ng civilians o rebelde. 

Ipinunto ni Go na ang matinding kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs ay nagkaroon ng positibong epekto, lalo sa pamilya ng mga OFWs.

CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with