^

Bansa

EO vs vaping, e-cigarettes hihingin kay Duterte

Pilipino Star Ngayon
EO vs vaping, e-cigarettes hihingin kay Duterte
Sinabi ni Go na, bagaman pinag-aaralan pa ito ng DOH at ikinonsiderang “probable cause” pa lang ang vaping, dapat ay iwasan na ng kabataan ang paggamit nito tulad ng payo ni Health Secretary Francisco Duque.
Wikimedia Commons/Lindsay Fox/File

MANILA,Philippines — Hihilingin ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng executive order upang higpitan ang paggamit, pagmamanupaktura at pagbebenta ng lahat ng produkto ng vape at e-cigarettes sa buong bansa upang mailigtas ang kabataan sa posibleng epekto nito.

Sa pahayag, sinabi ni Go na lubha nang nakababahala ang epekto ng vaping o e-cigarette matapos matuklasan ang kaso ng E-Cigarette or Vaping Product Use-Associated Lung Injury (EVALI) sa bansa dahil sa nangyari sa isang menor de edad sa Central Visayas.

Sinabi ni Go na, bagaman pinag-aaralan pa ito ng DOH at ikinonsiderang “probable cause” pa lang ang vaping, dapat ay iwasan na ng kabataan ang paggamit nito tulad ng payo ni Health Secretary Francisco Duque.

“Klaruhin ko lang po para sa kaalaman ng publiko na ang vaping ay posibleng makasama sa kalusugan, lalo na kapag menor de edad ang gumagamit. Kahit po sabihin na less harmful iyan sa normal na paninigarilyo, may posibilidad na harmful pa rin po iyan sa kalusugan at nakakabahala rin ang epekto nito sa katabi o kasama ng gumagamit,” ayon kay Go.

Aniya, habang wala pang batas hinggil dito, at sa kabila ng TRO sa AO 2019-0007 ng DOH, kanyang irerekomenda kay Pangulong Duterte na magpalabas ng executive order.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with