2 pang Cabinet men dawit sa korapsiyon
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng gabinete ang kinumpirma ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na dawit umano sa korapsiyon. 

Tumanggi muna si PACC Commissioner Greco Belgica na pangalanan ang dalawang opisyal na pawang “incumbent” umano at may “Cabinet rank”.

Sinabi ni Belgica, naisumite na nila sa Office of the President ang kanilang full report bago pa mag-Undas.

Aniya, bahala na si Pangulong Duterte ang mag-anunsiyo kung sino ang dalawang Cabinet members na kanilang nakitaan na may kinalaman sa katiwalian matapos ang ilang buwang imbestigasyon.

Samantala, nakatakda namang magsagawa ng validation ang Palasyo sa isinumiteng dokumento ng PACC.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi basta maaaring ayunan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng PACC nang hindi nagsasagawa ng validation.

Bukod dito ay una na ring sinabi ni Belgica na may Usec at Asec din silang sinisiyasat na may kinalaman naman sa labis na pagbiyahe-biyahe sa labas ng bansa.

KORAPSIYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with