Si Vice Pres. Leni Robredo habang nakikipagpulong sa mga opisyal ng US law enforcement agencies.
US aayuda sa drug war ni Leni
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tutulong ang United States kay Vice President Leni Robredo sa pagsugpo sa iligal na droga sa Pilipinas.

Lumitaw ito sa pakikipagpulong ni Robredo kahapon sa delegasyon ng US para talakayin ang posible nilang pagtutulungan para malabanan ang problema sa droga.

Sinabi ni Robredo na komprehensibo ang pakikipag-usap niya sa mga kinatawan ng International Narcotics and Law Enforcement Affairs ng US State Department, US Drug Enforcement Administration, Federal Bureau of Investigation, at US Agency for International Development (USAID). 

Itinalaga noong nakaraang linggo ni Pangulong Duterte si Robredo bilang drug czar at co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Sinabi ni Robredo na ibinahagi ng mga ahensiya ng Amerika ang kani-kanilang mga programa sa Pilipinas kaugnay ng kampanya laban sa iligal na droga.

“Napag-usapan din ang mga kakulangan sa kasalukuyang kampanya at ang mga tulong na maaari pa nilang maibi­gay para lalong paigti­ngin ang kampanya laban sa droga,” wika pa ng Bise Presidente.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng malinaw na baseline data tungkol sa sitwasyon ng droga sa bansa, pag-aralan ang mga maaaring pag-am­yenda sa Comprehensive Dangerous Drugs Act para tiyaking angkop pa rin ito sa ating kasaluku­yang pangangailangan, at ang pagpapalakas ng mga programa para sa drug use prevention at community-based drug rehabilitation.

Sinabi naman ng US Embassy na ang pagpupulong ay base sa kahilingan ni Robredo kung saan tinalakay ang kasalukuyang kalaga­yan ng US-Philippines counter-narcotics coo­peration gayundin ang US government funded programs para matuldukan ang demand sa illegal drugs.

“Ipinahiwatig nila ang kanilang buong suporta at kooperasyon sa ating kampanya laban sa iligal na droga. At, bilang kaibigan ng Pilipinas, gagawin nila ang lahat para tayo ay magtagumpay sa laban na ito,” sabi pa ni Robredo.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with