Batay sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau (EB), pumalo sa 371,717 ang dengue cases mula Enero 1 hanggang Oktubre 19, 2019 na kabilang dito ang 1,407 na pasyente na binawian ng buhay.
AFP/Luis Robayo
1,400 patay sa dengue
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Department of Health kahapon  na nasa 1,400 ang binawian ng buhay mula sa mahigit 370,000 dengue cases  na naitala sa bansa ngayong taong 2019.

Batay sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau (EB), pumalo sa 371,717 ang dengue cases mula Enero 1 hanggang Oktubre 19, 2019 na kabilang dito ang 1,407 na pasyente na binawian ng buhay.

Sinabi ng DOH na ang naturang bilang ay mahigit pa sa doble nang naitala nilang 180,072 dengue cases at 927 dengue deaths noong 2018.

Nabatid na mahigit 80,000 naman ng mga pasyente ngayong taon ay mga batang nasa pagitan ng lima hanggang siyam na taong gulang lamang.

DENQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with