Bello kinasuhan ng graft, treason
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sinampahan ng kasong katiwalian at treason sa tanggapan ng Ombudsman si Labor Secretary Silvestre Bello III at dalawa pa dahil umano sa pag-abuso sa tungkulin.

Sa reklamo sa Ombudsman ni Adolfo Pag­linawan, lead convenor ng grupong Solidarity for Sovereignty, umabuso umano sa kapangyarihan si Bello gaya ng pagkakaroon nito ng 40 official travel abroad na isang uri ng paglustay sa pondo ng pamahalaan.

Mas marami pa umano ito sa biyahe ni da­ting Presidential Commission on Urban Poor Chairman Terry Ridon na tinanggal sa pwesto ni Pangulong Duterte dahil sa 7 biyahe sa abroad gayundin si Marcial Amaro, administrator ng Maritime Authority na sinibak din sa puwesto dahil sa 24 travel abroad.

Nakipagsabwatan din umano si Bello sa isang Dominador Sy nang tumanggap sa isang Azziza Salim, may-ari ng isang recruitment agency, ng P5 milyon bilang extortion money.

Sinampahan din ng kasong treason si Bello dahil sa kabila na pinakansela na ni Pangulong Duterte ang peace talks ng pamahalaan sa pagitan ng NDF ay nagawa pa rin umano ng Kalihim na makipagkita kay NDF negotiator Joma Sison sa Netherlands.

Sa kasong graft, kapwa akusado ni Bello sina Ria Corazon Lano ng POEA Licensing Division at Noel Binag ng Occupational Safety and Health Center.

SILVESTRE BELLO III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with