Si Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalaw sa puntod ng yumao niyang mga magulang sa Davao City.
‘Leni huwag iboto’- Duterte
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang taumbayan na huwag iboboto si Vice President Leni Robredo kapag tumakbong pangulo ito sa halalan sa 2022.

Ginawa ng Pangulo ang apela kamakalawa ng gabi matapos alukin ito ng cabinet position kapag tinanggap ang pagiging drug czar matapos batikusin ang drug war ng gobyerno at sabihing bigo ito.

“If you criticize, you must have the answer. If you question, you must have the answer. Huwag kang magdala ng problema sa akin,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte sa media interview matapos dumalaw sa puntod ng yumaong magulang nito.

“Ang hindi ko malaman kung namulitika ka. Pero kung namulitika, alam ko sabihin sa Pilipino “P***** i** ka. Huwag kayong magboto diyan kay Leni. Kawawa kayo,” dagdag ni Duterte.

“So ‘yan ang problema ko kay Leni. Kung ‘yan ang maging presidente, hindi alam ‘yung batas, na ang pulis pala ay pwede magtanggap according to the Anti-Graft and Corrupt Practices Law,” paliwanag pa ng Pangulo.

Samantala, nakahan­dang bigyan muli ng cabinet post ng Pangulo si  Robredo sa sandaling tanggapin nito ang alok na maging drug czar.

Ito ang paniniguro ni Pangulong Duterte kapag tinanggap ni Robredo ang pagiging drug czar.

“Kukunin ko siyang drug czar. Kailangang gawin ko muna siyang miyembro ng Gabinete. Bago bibigyan ko siya ng marching order at specific function. Lahat kaugnay ng droga, kanya,” wika ng Pangulo sa media interview kamakalawa ng gabi matapos dumalaw sa puntod ng kanyang yumaong magulang sa Roman Catholic cemetery sa Davao City kasama si Sen. Bong Go.

Wika pa ng Pangulo, hindi na kailangang padalhan niya ng pormal na liham si Robredo kaugnay ng alok nito.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with