^

Bansa

Senate report vs Albayalde hawak na ni Digong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Senate report vs Albayalde hawak na ni Digong
Inirekomenda sa report ang pagsasampa ng kasong katiwalian laban kay dating PNP chief Oscar Albayalde at sa 13 pang tauhan nito na nagsagawa ng drug raid sa Pampanga noong 2013.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Naihatid na ni Sen. Bong Go kay Pangulong Duterte ang draft ng preliminary report ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa isinagawang imbestigasyon sa mga tinatawag na “ninja cops.”

Nauna rito, inilabas kamakalawa ni Sen. Richard Gordon, chairman ng komite, sa publiko ang summary ng inisyal na report.

Bilang miyembro ng komite, may kopya rin si Go ng nasabing report na dapat pirmahan ng mga miyembro ng komite.

Inirekomenda sa report ang pagsasampa ng kasong katiwalian laban kay dating PNP chief Oscar Albayalde at sa 13 pang tauhan nito na nagsagawa ng drug raid sa Pampanga noong 2013.

Life imprisonment ang pinakamabigat na parusang posibleng ipataw sa mga ‘ninja cops’ sakaling mapatunayan na sila’y nagkasala.

Noong Lunes ay nagbitiw si Albayalde bilang PNP chief bagaman sa Nobyembre pa ito nakatakdang magretiro.

Samantala, kahit pa nailabas na ang draft ng committee report, mananatili pa ring nakakulong sa New Bilibid Prison ang tumatayong team leader ng “ninja cops” na si P/Maj. Rodney Raymundo Baloyo IV na ipina-contempt ng mga senador.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with