Digong sa ninja cops: ‘Kung demonyo kayo, mas demonyo ako!’
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagbabala muli si Pangulong Duterte sa mga police scalawags lalo sa ‘ninja cops’ na nagre-recycle ng nakukumpiskang droga.

Ayon sa Pangulo sa mensahe nito kamakalawa ng gabi sa Manila Hotel, kung demonyo ang mga ‘ninja cops’ ay mas kaya niyang maging demonyo din sa kanila.

“It’s a very stupid paradigm because I can be evil like you, and more than, if I want to be,” wika ng Pangulo. 

“I still have two years, I can create hell for everybody. Very easy, you just [have to] be a bad boy. Mag walang hiya ka lang. Yariin mo lahat,” paniniguro pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na halos paliguan ng mura ng Pangulo ang mga opisyal ng PNP sa ginanap na command conference kamakailan dahil sa pagkadismaya sa kontrobersya ng ‘ninja cops’.

Napilitan si PNP chief Oscar Albayalde na mag-resign at bumaba sa puwesto matapos isangkot sa 13 ‘ninja cops’ sa 2013 drug operations sa Pampanga noong siya pa ang provincial director ng lalawigan.

NINJA COPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with