Bukod sa idinadaing ang masakit na bala­kang ay wala namang nabanggit pa si Go na may iniindang sakit ang Pangulo. Magpapa-check up pa aniya ito para malaman kung may iba pang injuries.
Simeon Celi Jr./Presidential Photo
Duterte sumemplang sa motorsiklo
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Sen. Bong Go na maayos ang lagay ni Pangulong Rod­rigo Duterte matapos sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo sa loob ng Malacañang compound noong Miyekules ng gabi.

Sa ngayon ay nasa Bahay Pagbabago ang Pangulo at kasaluku­yang nagpapahinga.

Bukod sa idinadaing ang masakit na bala­kang ay wala namang nabanggit pa si Go na may iniindang sakit ang Pangulo. Magpapa-check up pa aniya ito para malaman kung may iba pang injuries.

Sinabi ni Go na med­yo mataas ang ikalawang motor na sinakyan ng Presidente at medyo sumemplang ito papuntang parking at naitukod ang siko.

Nilinaw naman ni Presidential Security Group chief  General Jose Eriel Niembra na hindi naman sumemplang si Pangulong Duterte sa motorsiklo.

Klaripikasyon ni Niembra, sumabit lang ang isang gulong ng motorsiklo sa isang obstruction pero hindi naman natumba.

Paglilinaw pa ng PSG chief, trike o 3-wheeled ang minaneho ng Presidente kaya’t hindi aniya ito maaaring sumemplang.

Mahina lang din daw ang takbo ng Chief Exe­cutive habang palabas ng garahe ng PSG compound.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with