Ang mga pulis na kabilang sa kuwestiyunableng drug raid sa Pampanga noong 2013 nang dumalo sa DOJ hearing kahapon kaugnay sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa nasabing kaso.
Edd Gumban
Reinvestigation vs ‘ninja cops’ sinimulan na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon sa tinaguriang mga ‘ninja cops’ na sangkot sa kwestiyonableng drug raid sa Pampanga noong 2013.

“No show” sa DOJ si Police Major Rodney Baloyo, ang team leader ng grupong sinasabing nagre-recycle sa mga nakumpiskang iligal na droga.

Si Baloyo ay kasalukuyang naka-detain sa New Bilibid Prison (NBP) matapos ma-cite in contempt ng Senado, dahil umano sa pagsisinungaling.

Paliwanag ng abogado nito na si Atty. Donie Rey Muli, hindi na maghahain ng mga karagdagang ebidensya si Baloyo kaya minarapat na huwag nang dumalo sa pagdinig.

Dumating naman ang iba pang mga respondent na pulis na sina Senior Insp. Joven Bognot Jr.; SPO1 Jules Maniago; SPO1 Donald Roque; SPO1 Ronald Santos; SPO1 Rommel Vital; SPO1 Alcindor Tinio; SPO1 Eligio Valeroso; PO3 Dindo Dizon; PO3 Gilbert de Vera; PO3 Encarnacion Guerrero Jr.; PO2 Anthony Lacsamana; at PO3 Dante Dizon.

Matatandaang mula sa 200 kilo ng shabu na kanilang narekober sa drug bust ay 38 kilo lang ang isinurender ng grupo.

Lumalabas na nasa 160 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P648 million ang hindi isinama sa report ng grupo ni Baloyo na nasabat nito sa umano’y Chinese drug lord na si Johnson Lee noong 2013.

Ito naman ang naging ugat ng imbestigasyon ng Senado tungkol sa ‘ninja cops’ na ibinunyag naman ni dating PNP-CIDG Director Benjamin Magalong.

Una rito, sa bisa ng Department order No. 528 na inilabas ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sinimulan na ng DOJ 3-man panel of prosecutors ang muling imbestigasyon sa reklamong isinampa ng PNP-CIDG laban sa 13 ‘ninja cops’.

Marso 2014 nang sinampahan ng CIDG ang grupo ni Baloyo ng patong patong na kaso kabilang na ang paglabag sa Sections 27 (misappropriation), 29 (planting) at 32 (custody and disposition) sa ilalim ng Dangerous Drugs Act.

Pero noong 2017, ibinasura ang lahat ng kaso laban sa grupo.

Binigyan naman ng DOJ Panel ang CIDG ng limang araw para maghain ng karagdagang ebidensya at supplemental o amended complaint.

Isasagawa ang susunod na pagdinig sa Oktubre 21.

 

NINJA COPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with