^

Bansa

13 ‘ninja cops’ nasa peligro - Magalong

Pilipino Star Ngayon
13 �ninja cops� nasa peligro - Magalong
Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Baguio City Mayor Benjamin Maga­long na dating hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.
File

MANILA,Philippines — Namemeligro ang kaligtasan ng mga ‘ninja cops’ (mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang droga) na sangkot sa kontrobersiyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.

Ito ang ipinahiwatig kahapon ni Baguio City Mayor Benjamin Maga­long na dating hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.

“Sana maisip ng mga sangkot sa 2013 drug bust sa Mexico, Pampanga na wala na silang matatakbuhan at magsimula na silang magsa­lita. Maliban na lang kung mapatay sila na tulad ng nangyari sa ibang civilian agents na sangkot din sa drug operation,” sabi ni Magalong sa panayam sa Early Edition ng ANC. “Kaya dapat nang unahin ang kaligtasan ng mga pulis na ito.”

“Dapat nilang tiyakin na walang mangyaya­ring masama sa mga ito (ninja cops). Isa lang kasi ang nakakulong, si (Rodney) Baloyo lang. Ang iba ay gumagampan pa ng kanilang trabaho bilang pulis o nasa floating status. Kung titignan ang sangkot na mga civilian agent, lahat sila patay na, pinatay sila. Maaaring mangyari ang anumang bagay,” babala ni Magalong.

Kabilang si Baloyo sa 13 ‘ninja cops’ na kumuha umano ng 160 kilong shabu mula sa P648 mil­yong halaga ng droga sa Mexico.

Ang naturang mga droga ay nakumpiska sa isang anti-narco­tics ope­ration laban sa umano’y Chinese drug lord na si Johnson Lee noong 2013.

Lumitaw sa imbestigasyon na pinakawalan ng mga pulis si Lee kapalit ng P50 milyon.

vuukle comment

NINJA COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with