Prinisinta ni outgoing NCRPO director Major. Gen. Guillermo Eleazar at QCPD director Col. Ronnie Montejo ang mga nadakip na holdaper na responsable sa panghoholdap sa isang convenience store sa lungsod.
Kuha ni Michael Varcas
Lider ng robbery/holdup group, 3 tauhan tiklo
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) kasunod ng pagkakaaresto sa lider ng isang notoryus na   robbery/holdup group at tatlo nitong tauhan sa operasyon sa  lungsod   Huwebes ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director P/Col. Ronnie Montejo ang nasakoteng lider ng sindikato na si Arvin Pancho, alyas Niño, 33,  ng Greater Fairview.

Arestado rin sa operasyon ang tatlo nitong tauhan na sina Reymar Cadigoy, 25, Danilo Bautista, Grab driver at operator gayundin si Jouiejay Laca­ba, 25 ng Brgy. Commonwealth ; pawang sa lungsod Quezon.

Bandang alas-9:20 ng gabi , ayon sa opisyal  nang magsagawa ng operasyon ang Fairview Police Station (PS) 5 sa ilalim ng superbisyon ni P/ Lt. Col. Carlito Mantala sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigas­yon, kasalukuyang naglalakad sa kahabaan ng Camaro Street, Brgy. Greater Fairview ang hindi pinangalanan babaeng biktima nang harangin ng mga suspect na lulan ng isang kulay abong Nissan Almera (NAD 9805) na pag-aari ni Bautista.

Tatlo sa mga biktima ang bumaba sa behikulo at tinutukan ng baril ang biktima sabay deklara ng holdap kung saan puwersahang kinuha ng mga suspek ang cellphone at wallet ng biktima na naglalaman ng P5,000 cash saka mabilis na tumakas.

Agad namang inireport ng biktima ang insidente sa Police Station 5 at dito’y positibo nitong kinilala sa rouge gallery ng pulisya si Pancho na isa sa mga suspect na nangholdap sa kaniya.

Sa follow-up operation na isinagawa ng pulisya sa tulong ng isang informer  ay natunton ang behikulo na ginamit ng mga suspect  sa bahay ni Pancho sa Litex, Brgy. Payatas ng lungsod.

Nakumpiska mula sa suspect ang Huawei cellphone ng biktima, isang cal. 38 revolver Armscor na may tatlong bala, isang cal 38 revolver na may trademark protector MFG  na may dalawang bala at tatlong hindi pumutok na bala, isang improvised shotgun, isang bala ng 12 gauge shotgun, isang M203 grenade launcher at ang kulay abong Nissan Almera na gamit ng mga suspect sa kanilang illegal na aktibidades.

Samantalang sa pagre­rebyu sa CCTV recor­ding ay natukoy ng mga awtoridad na sangkot din ang grupo ng mga suspect sa panghoholdap sa ilang mga  convenience store sa lungsod Quezon at sa Caloocan.

 

QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with