Digong: ‘Total revamp’ sa BuCor
MANILA, Philippines – Iniutos ni Pangulong Duterte ang total revamp sa Bureau of Corrections (BuCor) matapos pumutok ang GCTA for sale at iba’t ibang anomalya sa pambansang piitan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagdesisyon ang Pangulo dahil sa napaulat na corruption sa BuCor na iniimbestigahan ng Senado.
Ang balasahan ay nangangahulugan ng pagsibak sa mga BuCor officials at employees at paglilipat ng mga jailguards sa iba’t ibang penal colony sa mga lalawigan.
Magbibigay-daan din ito upang pumili ng mga tauhan ang bagong BuCor director general na si Gerald Bantag kapalit ng sinibak na si Nicanor Faeldon.
Ang marching order ng Pangulo kay Bantag ay linisin sa katiwalian ang BuCor at huwag tularan ang mga pagkakamali ng iba.
- Latest