Mga Pinoy sa Saudi handang ilikas

Ang paniniyak ay ginawa ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs kung saan gagawin ang madaliang pagpapabalik ng ligtas sa mga OFWs sa Pilipinas.
File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Labor and Employment na handa sila sa repatriation ng may 50,000 Filipino workers na maaapektuhan ng pagsabog ng oil plants sa Saudi Arabia sakaling lumala ang sitwasyon.

Ang paniniyak ay ginawa ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs kung saan gagawin ang madaliang pagpapabalik ng ligtas sa mga OFWs sa Pilipinas.

Handa rin si Bello na hanapan ng bagong trabaho o mapapasukan ang mga maaapek­tuhang manggagawa.

Gayunman sinabi ni Bello na inaalam pa nila ang kalagayan ng mga OFWs sa Saudi. 

Kailangan munang matiyak na ligtas ang mga Pinoy workers sa kabila ng mga naganap na pag-atake.

Sa ngayon aniya, maayos ang komunikasyon nila sa Philippine Overseas Labor Offices sa Al Khobar, Riyadh, at Dammam kung saan wala pang naiulat na nasaktang Filipino at paghinto sa mga trabaho.

Ang Saudi Arabia ang pinakamalaking oil exporter sa mundo at nangunguna sa mga bansang may pinakamaraming Pinoy workers na umaabot sa 2.3 million OFWs worldwide batay sa 2018 Survey ng Philippine Statistics Authority.

Show comments