Bato na-high blood sa hearing ng panukalang ibalik ang ROTC
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nagalit at na-high blood kahapon si Senador Ronald “Bato” de la Rosa sa pagdinig ng Senate committee on Basic Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian matapos siyang patutsadahan ng isang estudyante tungkol sa pahayag niya na pumapabor sa posibleng paglaya ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Habang binabasa ni Raoul Manuel ang position paper ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), binanggit nito na baka mahirapan na i-uphold ang batas at rights awareness sa hanay ng  mga public officials lalo na kung may senador na pabor na mabigyan ng isa pang pagkakataon na makalaya ang isang rapist na mayor habang ang mga mahihirap ay madaling matokhang.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Dela Rosa na maaring mabigyan ng “second chance” si Sanchez kung nagbago na ito.

Agad na nagpanting si Dela Rosa sa sinabi ni Ma­nuel at tinanong kung kasama ba ang kanyang statement sa pagdinig ng panukalang ibalik ang Reserve Officers’ Trai­ning Corps (ROTC).

Sinabi rin ni Dela Rosa na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Manuel na ang ROTC ay misrepresentation ng nationalism.

Kinuwestiyon din ni Dela Rosa kung totoong kinatawan ng mga estudyante si Manuel.

Hinala rin ni Dela Rosa, pinipersonal siya ni Manuel at dapat umano itong matutong rumespeto sa isang senador.

Hiniling naman ni Senator Pia Cayetano na tanggalin sa record ng pagdinig ang mga sinabi ni Manuel na hindi kasama sa isyu ng ROTC.

Sumabat na si Gatchalian at ipinasumite na lamang kay Manuel at sa iba pang grupo ng mga estudyante ang kanilang position papers tungkol sa ROTC.

Hiniling din ni Cayetano kay Gatchalian na paalalahanan ang mga bisita na huwag lumihis sa topic at huwag aksayahin ang oras ng komite.

Ayon pa kay Dela Rosa, hindi naman siya ang gumawa ng batas na maaaring maging daan para makalaya si Sanchez.

Sa huli ay humingi ng tawad si Manuel at nanga­ko na hindi na mauulit ang nangyari sakaling muling imbitahan sa pagdinig.

Sa huling bahagi ng pagdinig ay nagpalabas ng isang video si Gatchalian tungkol sa junior ROTC Amerika pero nagpaalam na si Dela Rosa at hindi na ito napanood dahil hina-high blood na umano siya.

ROTC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with