Pay rules para sa August holidays inilabas ng DOLE
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Labor and Employment sa mga employer sa pribadong sektor hinggil sa tamang pasuweldo sa kanilang mga manggagawa na magtatrabaho sa mga idineklarang holiday sa buwan ng Agosto.

Kasunod ng Proclamation No. 555, s. 2018 at No.789, s.2019, na nagdedeklara sa Agosto 12 at 26 bilang mga regular holiday para sa paggunita ng Eid’l Adha at National Heroes Day at ng Agosto 21 bilang special non-working holiday para sa pag-alala sa pagkamatay ni dating Senador Ninoy Aquino, nagpalabas si Labor Secretary Silvestre Bello III ng isang advisory na nagtatakda ng tamang panuntunan sa pagpapasuweldo para sa mga nasabing holidays.

Nagpaalala si Bello sa mga employer na sundin ang mga sumusunod na formula sa pagkalkula ng sahod ng mga manggagawa para sa Agosto 12 at 26 – regular holidays:

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%];

Kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA (Ara­wang suweldo + COLA) x 200%.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with