^

Bansa

‘Sara kayang sundan ang yapak ng ama’- Go

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
âSara kayang sundan ang yapak ng amaâ- Go
“Malaki ang paniniwala ko sa liderato ni Mayor Inday Sara Duterte at kung ano man ang magiging plano niya,” wika ni Go. “Kung ano po ang aking paniniwala sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ganon rin po ang aking paniniwala sa liderato ni Mayor Inday Sara,” paliwanag pa ni Go.

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senador Bong Go na kayang sundan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang yapak ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng espekulasyon na tatakbong pangulo ang presidential daughter sa 2022.

“Malaki ang paniniwala ko sa liderato ni Mayor Inday Sara Duterte at kung ano man ang magiging plano niya,” wika ni Go. “Kung ano po ang aking paniniwala sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ganon rin po ang aking paniniwala sa liderato ni Mayor Inday Sara,” paliwanag pa ni Go.

Ayon sa dating close aide ng Pangulo, taglay ni Mayor Inday ang legacy sa public service ng kanyang ama sa Davao City.

“Nakita niyo naman po kung paano nila dinala ang Davao. I’ve known his father for the past 21 years at nakita ko rin po pano ang pamamalakad ni Mayor Inday Sara—equally napakamagaling, nirerespeto at very honest. Mas estrikto lang po si Mayor Sara,” dagdag pa ni Sen. Go.

Magugunita na kamakalawa ay sinabi ni Mayor Inday sa tv program ni Pastor Apollo Quiboloy na kailangan niya ang ‘divine guidance’ upang tulungan siyang magdesisyon kung tatakbo ba siyang pangulo sa 2022.

Nauna nang sinabi ni Mayor Sara na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo sa 2022.

“Siguro para hindi tayo magkamali, magdasal tayo kung paano ito magagawa at kung paano magpapasya,” sabi ng Duterte.

Sa kampanya noong eleksyon ng Hugpong ng Pagbabago, sinabi ni Mayor Sara na maglalabas siya ng desisyon sa January 2021.

Kailangan aniyang maglaan nang mahabang panahon para mapag-isipang mabuti ang pagtakbo bilang pangulo.

Aniya, kailangan ng sapat na pera, kagamitan at lalo na ang gabay mula sa Panginoon. Mahirap anyang panindigan ang pagtakbo bilang pangulo kung hindi ito para sa iyo.

Sinabi na rin noon ni Pangulong Duterte kay Mayor Sara na huwag ng pasukin ang pagtakbong presidente dahil gugulo lamang ang buhay nito.

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with