^

Bansa

300 SAF commandos ipinadala sa Negros

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
300 SAF commandos ipinadala sa Negros
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na ang 300 SAF troopers ay tutulong sa puwersa ng pulisya at tropa ng militar upang tugisin ang mga armadong salarin na nasa likod ng pamamaslang.

MANILA, Philippines — Tatlong daang elite Special Action Force (SAF) commandos ang ipinadala ng Philippine National Police sa Negros Oriental upang pigilan ang  pagdanak ng dugo sa serye ng pamamaslang ng umano’y gumagalang mga armadong kalalakihan sa lalawigan nitong nakalipas na mga araw.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na ang 300 SAF troopers ay tutulong sa puwersa ng pulisya at tropa ng militar upang tugisin ang mga armadong salarin na nasa likod ng pamamaslang.

Una nang tinukoy nina Central Visayas Police Chief Police Brig. Gen. Debold Sinas at Negros Provincial Police Office Director Police Colonel Raul Tacaca na  ang Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) ang nasa likod ng pamamaslang base na rin sa mga iniwan ng mga itong bakas sa krimen at istilo ng pagpatay.

Simula noong Hulyo 23 ay 17 sibilyan na ang pinaslang ng mga armadong kalalakihan sa  Negros Oriental kung saan karamihan sa mga biktima ay may ugnayan at sympathizers umano ng rebeldeng NPA.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with