Ito naman ang binig­yan diin ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio lalo pa’t ang Chinese ang may pinakamalaking fishing fleet sa buong mundo.
Photo courtesy: Col. Noel Detoyato, AFP Public Affairs Office
Isda sa West Philippine Sea uubusin ng Chinese
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng maubos ang marine resources sa West Philippine Sea kung bibigyan ng pamahalaan ng access ang mga Chinese na makapangisda rito.

Ito naman ang binig­yan diin ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio lalo pa’t ang Chinese ang may pinakamalaking fishing fleet sa buong mundo.

Ani Carpio, umaabot sa 220,000 malalaking motorized fishing vessels ang pag-aari ng China.

“They can scoop the fish there in less than a year. And the fish will be gone, it would be depleted. And we cannot compete with China because we have small bancas, wooden boats,” ani Carpio.

Sa State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, sinabi nito na hindi mapipigilan ang mga Intsik na mangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ)  ng Pilipinas.

Nabatid pa kay Carpio na lumiliit na ang fishing stock ng China kaya naghahanap na ang mga ito ng bansa na kanilang pangingisdaan.

Dagdag pa ni Carpio wala ng isda sa coastal area ng China kaya nagpupumilit ang fishing fleet nito sa Pilipinas, Africa at South Africa.

WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with