Ipinahiwatig ng Pa­ngulo na marami ang ma­giging biyuda at mauulila sakaling magkaroon ng giyera kahit pa gaano ito kaliit.
Boy Santos
Duterte hindi makikipaggiyera para sa WPS
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idiniin din ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikipag-giyera dahil lamang sa isyu ng West Philippine Sea.

Ipinahiwatig ng Pa­ngulo na marami ang ma­giging biyuda at mauulila sakaling magkaroon ng giyera kahit pa gaano ito kaliit.

“Kaya gagawin ko iyan sa payapang paraan,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na mas pabor siya sa ma­payapang pakikipag-usap sa China tungkol sa pinag-aagawang teritoryo.

“Tinawag din ng Pa­ngulo na “balancing act” ang kanyang pag iwas na magkaroon ng armed conflict sa China. 

Pero nangako naman si Duterte na darating ang panahon na ipagtatanggol niya ang karapatan ng bansa sa economic zone nito.

Siniguro ni Duterte na pagbabawalang mangisda ang mga Tsino sa tamang panahon.

“Sa West Philippine Sea, isa itong delikadong balance. May nagsasabing dapat harangin ang mga (Intsik) sa pangi­ngisda sa ating economic zone. Siyempre, gagawin natin iyan sa tamang panahon,” wika ng Pangulo sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) kahapon sa joint session ng Kamara at Senado.

Walang ibinigay na deadline ang Pangulo kung kailan niya gagawin ito sa mga Chinese fishermen sa EEZ ng bansa.

Umani ng batikos ang Pangulo kaugnay ng nangyari sa 22 mangi­ngisdang Pinoy sa Recto bank nang mabangga ang kanilang bangka ng Chinese fishing vessel noong July 9.

Aniya, pinayagan lamang niyang mangisda ang mga Tsino sa EEZ ng bansa pero iginiit na tayo ang may-ari nito.

Aniya, may tamang oras para sa lahat, may tamang oras sa dayalogo dahil hindi tayo handa sa giyera.

RODRIGO DUTERTE WEST PHILIPPINE SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with