“P1 million will be given for the “capture, whether dead or alive, of the masterminds, perpetrators, and main shooters” of the policemen who were ambushed Thursday,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
P1-M alok ni Duterte vs killers ng 4 pulis
Rudy Andal, Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-alok ng P1 mil­yong pabuya si Pangu­long Duterte para ma­aresto ang mga nasa likod ng pananambang sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Occidental.

“P1 million will be given for the “capture, whether dead or alive, of the masterminds, perpetrators, and main shooters” of the policemen who were ambushed Thursday,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Dinalaw ng Pangulo noong Sabado ang burol ng pinaslang na mga pulis at nakiramay sa pamilya ng mga ito sa Negros Occidental.

“We will ensure that justice will be served to those behind this condemnable offense against our peace enforcers. The full force of the law will come crushing down on the perpetrators,” sabi pa sa statement ng Palasyo.

Kasabay nito, ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang pagtugis sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na hinihinalang responsable sa pagpatay sa apat na pulis.

Ayon kay Albayalde, ginagalugad na ng mga otoridad ang lahat ng sulok ng bansa para madakip ang mga responsable sa pagpatay sa apat na PNP intelligence  personnel na pawang nakatalaga sa 704th Mobile Force Company Regional Mobile Force Battalion ng PNP Central Visayas.

Nagpahatid din ng pa­kikiramay ang PNP chief sa pamilya nina Cpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callo Pat. Roel Cabellon at Pat. Marquino de Leon na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga umano’y miyembro ng NPA sa Sitio Yamot, Barangay Mabato bayan ng Ayungon.

Nakatakda namang sampahan ng kaso ang mga suspek na nakilala na sa pamamagitan ng mga impormasyon na ibinigay ng kanilang mga testigo.

Bukod sa pamamaril, tinali rin umano ang kamay ng mga biktima sa kanilang likuran at may mga bakas ng torture at paghampas ng matigas na bagay sa mukha dahilan para ma-deformed ito at ninakawan din umano sila ng mga importanteng kagamitan kabilang na rito ang susi ng tatlong motorsiklo at mga armas.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas 2:30 ng hapon nang maganap ang pagdukot at pamamaril sa apat noong Hulyo 18 habang papunta sa kanilang detachment sa Sitio Nabinca.

NEW PEOPLE’S ARMY OSCAR ALBAYALDE PNP COPS IN AYUNGUN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with