Isasagawa ang maintenance works simula nga­yong Lunes, Hulyo 22 hanggang sa Linggo, Hulyo 28.
Miguel De Guzman
Meralco may rotational brownout sa Metro Manila, Luzon
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng rotational brownout sa ilang lugar sa Luzon dahil sa pagkukumpuning isasagawa.

Isasagawa ang maintenance works simula nga­yong Lunes, Hulyo 22 hanggang sa Linggo, Hulyo 28.

Ilang lugar naman sa Luzon ang maaapektuhan nito, kabilang ang ilang area sa mga lungsod ng Las Piñas, Makati, Pasay, Maynila, Pasig, Quezon, at Taguig, sa Metro Manila.

Sakop din naman nito ang ilang barangay at bayan sa mga lalawigan ng Bulacan, Laguna, Quezon, at Rizal.

Ayon sa Meralco, kabilang sa kanilang mga isasagawa ay reconductoring works ng kanilang mga linya, pagpapalit ng mga bulok at lumang poste, relokasyon ng mga pasilidad na apektado ng LRT-2 Line Extension Project, reconductoring ng mga pangunahing linya, reconstruction at instalasyon ng kanilang mga pasilidad.

MERALCO ROTATIONAL BROWNOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with