^

Bansa

Pinoy kabilang sa crew ng British tanker na hinuli ng Iranian gov’t

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinoy kabilang sa crew ng British  tanker na hinuli ng Iranian gov�t
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), walang nasaktan sa mga mga sakay ng naturang tanker kabilang ang Filipino crew nito.
AFP

MANILA, Philippines — Isang Pinoy seaman ang kabilang sa 23 crew members ng British oil tanker na hinuli ng pamahalaan ng Iran habang bumabagtas sa Strait of Hormuz dahil sa paglabag umano sa international law.

Wala namang ibang malinaw na ulat sa pagkakakilanlan ng Pinoy seaman. Kabilang rin sa crew ng tanker ang mga Indian, Russian at Latvian seamen.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), walang nasaktan sa mga mga sakay ng naturang tanker kabilang ang Filipino crew nito.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Iran Fred Santos na nakikipag-ugnayan na sila sa Iranian government para matiyak na ligtas na makakauwi ng Pilipinas ang Pinoy seaman.

Dinala ang Stena Impero tanker sa Iranian port. 

Sinabi ng tagapagsalita ng kumpanya na hindi na nila nagawang makontak ang crew ng barko nang lapitan ito ng ilang sasakyang pandagat at helicopter habang nasa “international waters” pa umano.

Iginiit ng kumpanya ng Stena Bulk na wala silang nilalabag na batas at sumusunod sa lahat ng “navigation and international regulations.”

Ang Pilipinas ang na­ngungunang supplier ng maritime crew na may 387,000 seaman sa mga oil tankers, luxury li­ners at passenger ships.

vuukle comment

BRITISH OIL TANKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with