7 police, military officials abswelto sa ‘Morong 43’

Sa desisyon ng anti-graft court, sinabi nito na walang sapat na ebidensya na magsasabing guilty beyond reasonable doubt ang mga akusado.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inabswelto ng Sandiganbayan 7th Division ang pitong mga opisyal ng militar at pulisya kaugnay sa kasong illegal detention na isinampa ng mga health workers na tinaguriang “Morong 43”.

Sa desisyon ng anti-graft court, sinabi nito na walang sapat na ebidensya na magsasabing guilty beyond reasonable doubt ang mga akusado.

Hindi rin umano malakas ang ebidensya na nagsasabing ang mga akusado ay lumabag sa Republic Act 7438 o An Act Defining Certain Rights of Persons Arrested, Detained or Under Custodial Investigation; Duties of Public Officers.

Kabilang sa mga kinasuhan dahil sa sinasabing pag-torture at illegal detention sa  health workers sina retired Lt. Gen. Jorge Segovia, retired Maj. Gen. Aurelio Baladad, Brig. Gen. Joselito Reyes, Col. Cristobal Zaragoza, Police Supt. Marion Balong­long, Police Supt. Allan Nobleza at Army Major Jovily Cabading.

Inaresto ang Morong 43 na inakusahang mga miyembro ng New People’s Army sa Morong, Rizal noong 2010 dahil sa illegal possesion of explosives.

Matapos ang 10 buwan ay pinalaya din ang Morong 43 ng bawiin ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban sa kanila.

Show comments