Pinakagrabeng naapektuhan ang Western Visayas na may 15,813 na sinundan ng Region 7 na may 9,594 kaso; Region 12, 308 kaso at Region 8, 57 kaso.
Patay sa dengue, 152 na
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 152 katao ang nasawi matapos dapuan ng dengue.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, nakakaalarma ang bilang ng patuloy na pagtaas ng mga apektado ng dengue kung saan aabot sa 25,772 kaso ang naitala sa Region VI (Western Visayas), Region VII (Central Visayas), Region VIII (Eastern Visayas) at Region 12 (South Cotabato, Cotabato City Sarangani, General Santos City).  Ang nasabing bilang ay mula Enero 1-Hulyo 13 ng taong ito.

Pinakagrabeng naapektuhan ang Western Visayas na may 15,813 na sinundan ng Region 7 na may 9,594 kaso; Region 12, 308 kaso at Region 8, 57 kaso.

Ang 152 kataong na­matay ay mula sa mga lalawigan ng Cebu na nakapagtala ng 36 patay na sinusundan ng Negros Occidental (23), Iloilo (20), Bohol (19) at Capiz (15).

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with