Anti-fake news bill inihain

Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng P2 mil­yong multa at kulong ang lalabag.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si Senate President Vicente Sotto III laban sa fake news sa social media at websites. Sa Senate Bill No. 9 o An Act Prohibiting the Publication and Proliferation of False Content on the Philippine Internet, nais ni Sotto na gawing krimen ang malisyosong pagpapakalat o paggawa ng maling impormasyon laban sa isang tao.

Sa ilalim ng panukala ay papatawan ng P2 mil­yong multa at kulong ang lalabag.

Binanggit niya ang SWS survey noong 2017 at 2018 na 67% ng mga Pinoy internet users ang nagsabing isang seryosong problema ang fake news sa internet.

Show comments