Sa pahayag ni Bishop Uy mahalagang magkaisa ang mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan tulad ng pag-iwas sa paggamit ng mga plastic lalu na sa mga pagtitipon ng simbahan.
Single use plastic giit ipagbawal na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mga mananampalataya ng lalawigan at mga pari na iwasan ang paggamit ng single-use plastic. 

Sa pahayag ni Bishop Uy mahalagang magkaisa ang mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan tulad ng pag-iwas sa paggamit ng mga plastic lalu na sa mga pagtitipon ng simbahan. 

“To all priests and parishioners, as much as possible, please avoid the use of styros and plastics in any of our gatherings and activities,” ani Bishop Uy. 

Sa pag-aaral ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA), halos 60 bilyong sachet ng plastic ang nalilikha sa Pilipinas bawat taon. 

Kabilang dito ang 48 milyong shopping bags na ginagamit ng mga Filipino araw-araw bukod pa rito ang 17 bilyong iba’t ibang uri ng produkto na gawa sa plastic. 

Naniniwala ang simbahang katolika na kung magkakaisa ang mamamayan sa pagtataguyod ng maayos na kapaligiran ay makakamtan ang malinis at ligtas na kalusugan ng lipunan na malayo sa polusyon at nakalalasong kemikal dulot ng plastic. 

Ang pag-aaral ay batay sa 21 waste assessment na isinagawa ng grupo sa anim na lungsod at pitong bayan sa Pilipinas.

SINGLE-USE PLASTIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with