Nabatid kina AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo at PNP spokesman Col. Bernard Banac na nag-match ang DNA test sa naputol na ulo at nagkapira-pirasong katawan na suspek na si Norman Lasuca sa ina nitong si Vilman Alam Lasuca at kapatid nitong si Alhussin Alam Lasuca.
Suicide bomber sa Sulu kumpirmadong Pinoy
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpirmadong Pinoy ang isa sa dalawang suicide bombers sa Indanan, Sulu noong nakalipas na Hunyo 28 base sa resulta ng DNA test.

Nabatid kina AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo at PNP spokesman Col. Bernard Banac na nag-match ang DNA test sa naputol na ulo at nagkapira-pirasong katawan na suspek na si Norman Lasuca sa ina nitong si Vilman Alam Lasuca at kapatid nitong si Alhussin Alam Lasuca.

“After thorough investigation and forensic examination, the Regional Crime Laboratory Office of the Police Regional Office 11 has revealed that one of the suspected suicide bombers in 1st Brigade Combat Team temporary headquarters in Indanan, Sulu last June 28 can be concluded as a Filipino,” pahayag ni Banac.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nasangkot ang isang Pinoy sa suicide bombing.

Ayon kay Arevalo, isang malaking hamon sa pambansang seguridad ang pagkakadiskubre na Pinoy bomber ang isa sa mga suspek dahil nabago ang ‘security landscape’ sa bansa partikular na sa Mindanao.

Nabatid din na isang ‘battered son’ ang Pinoy bomber na naglayas sa kanilang tahanan noong 2014.

SUICIDE BOMBERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with