Sinabi pa ni Eleazar na sa kasalukuyan ay naka-full alert status ang kapulisan sa Metro Manila para maiwasan ang spillover na nangyayari sa Sulu.
NCRPO naka-full alert vs spillover ng Sulu blasts
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (Westmincom) para sa anumang development ng Sulu twin blast.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar ito ay dahil nakasalalay sa resulta ng imbestigasyon ng Westmincom ang alert status dito sa Metro Manila.

Sinabi pa ni Eleazar na sa kasalukuyan ay naka-full alert status ang kapulisan sa Metro Manila para maiwasan ang spillover na nangyayari sa Sulu.

Kapag may resulta na umano ang imbestigasyon sa Sulu bombing ay makikipag-ugnayan ulit siya kay Major General Carlito Sobejana ng Westmincom at dito nakasalalay kung ibababa na nila ang alert status dito sa Metro Manila.

Nilinaw naman ni Eleazar na ang pagbaba ng lower alert sa heightened alert status ay posibleng sa mga susunod na dalawang araw mula ngayon.

Idinagdag pa niya na hindi naman sila naging normal alert dahil mas maganda na din kung naka-heightened alert ang kapulisan para preparado sila at mas maraming nakadeploy na kapulisan para na rin sa seguridad ng publiko sa Metro Manila.

Matatandaan na naganap ang Sulu bombing kamakalawa kung saan walo katao ang nasawi at mara­ming iba pa ang nasugatan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE SULU TWIN BLAST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with