^
LPA sa Aparri, Cagayan bagyong 'Dodong' na
Mula sa pagiging low pressure area, idineklara na ito bilang "tropical depression" ng Pagasa pasado alas-dos ng hapon.
Facebook/Dost_pagasa

LPA sa Aparri, Cagayan bagyong 'Dodong' na

James Relativo (Philstar.com) - June 25, 2019 - 4:23pm

MANILA, Philippines — Pormal nang naging bagyo ang sama ng panahon na namumuo sa Aparri, Cagayan, ayon sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, Martes ng hapon.

Mula sa pagiging low pressure area, idineklara na ito bilang "tropical depression" ng Pagasa pasado alas-dos ng hapon.

Tinawag na bilang "Dodong" ng naturang ahensya ang nasabing sama ng panahon.

Nakatakda namang maglabas ng Severe Weather Bulletin alert ang Pagasa-Department of Science and Tecnology mamayang alas-singko.

Namataan kaninang alas-siete ng umaga ang dating LPA 470 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Una nang sinabi kanina ng Pagasa na posible itong maging tropical depression sa loob ng 48 oras.

DODONG PAGASA DOST TROPICAL DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with