Phl-Indonesia deal sa economic zone boundary plantsado na

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Malacañang ang completion ng isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia patungkol sa delimitation ng exclusive economic zone boundary ng dalawang bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang completion ng listahan ng mga requirements ang highlight ng bilateral meeting nina Pangulong Duterte at President Joko Widodo ng Indonesia kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Panelo, ipinapakita lamang ng accord na ito ang “strong and tight bond” sa pagitan ng dalawang bansa.

Bukod dito, itinuturing ng Malacañang ang legal instrument na ito bilang magandang precedent sa kung paano maresolba ang mga maritime concerns at maresolba rin ang ‘di pagkakaintindihan alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Hiniling din ng Pa­ngulo sa ASEAN na pagtulungang labanan ang banta ng illegal drugs, terrorism, violent extremism at transnational crimes.

Sa trade war ng US and China, ay hiniling ni Duterte sa 2 bansa na resolbahin ang hindi pagkakaunawaan.

Winika pa ng Pangulo, dapat panagutin din ang mga bansang responsable sa climate change.

 

Show comments