^

Bansa

MWSS: Manila Water, Maynilad paparusahan kung 'di susunod sa water interruption schedules

James Relativo - Philstar.com
MWSS: Manila Water, Maynilad paparusahan kung 'di susunod sa water interruption schedules
Inilabas ng MWSS ang pahayag matapos magreklamo ang ilang residente sa mga diumano'y "hindi mapagkatiwalaang" water interruption schedules na inilabas ng Manila Water at Maynilad.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Huwebes na parurusahan ang mga private water concessionaires oras na hindi sumunod sa inilalabas nilang water service interruption schedules.

Inilabas ng MWSS ang pahayag matapos magreklamo ang ilang residente sa mga diumano'y "hindi mapagkatiwalaang" water interruption schedules na inilabas ng Manila Water at Maynilad.

"Should such non-adherence continue, this may constitute as a violation of the Concession Agreement, and the MWSS RO [Regulatory Office] shall recommend the impossision of appropriate penalties," sabi ni Patrick Ty, chief regulator ng MWSS RO.

(Kung magpapatuloy ang hindi pagsunod, maaaring maging tanda ito ng paglabag sa Concession Agreement, dahilan para magrekomenda ng naaayon na parusa ang MWSS RO.)

Matatandaang pinatawan ng P1.134 bilyong multa ng MWSS ang Manila Water nitong Abril kaugnay ng pagpalya ng kanilang sebisyo na tumama sa malaking bahagi ng Kamaynilaan nitong Marso.

Nakararanas ngayon ng water interruption sa Metro Manila at mga karatig na bayan matapos ianunsyo ng National Water Resources Board ang pagbawas sa alokasyon ng mga concessionaire mula 46 cubic meters per second patungong 40 cms habang papalapit sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam.

"While the two concessionaires may not be blamed for the current water supply situation... the water service interruption schedules are well within their control, and for which they may be held accountable," dagdag ni Ty.

(Bagama't hindi kasalanan ng dalawang konsesyunaryo sa kasalukuyang pagkaantala ng suplay ng tubig... pero ang mga water service interruptions schedules ay nasa kamay nila, at maaari silang mapanagot doon.)

Dagdag pa ng MWSS, ituturing nila na saklaw ng 'di tamang pag-aanunsyo ang anumang pagkaantala sa suplay ng tubig na nasa labas ng mga ibinigay na schedule.

'Late' na anunsyo?

Sa ulat ng ABS-CBN, pinagpapaliwanag naman ng Bagong Alyansang Makabayan kung bakit huli nang inilabas ng Manila Water at Maynilad ang kanilang mga anunsyo.

Nagsimula na raw kasi ang mga interruption nitong ika-18 ng Hunyo ngunit noong ika-19 na lang daw sila unang naglabas ng schedules.

"Manila Water should be made to explain why it posted an advisory on affected areas at past 9pm, when the shortage was already being experienced by many," sabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes.

(Dapat magpaliwanag ang Manila Water kung bakit alas-nuebe ng gabi lang sila nagpaskil ng advisory kahit na nararanasan ng ng marami ang shortage.)

Aniya, hindi sapat ang babala at dapat magsumite ng bukas na liham sa mga consumer at MWSS.

"Ang banban naman ng RO at hindi maipaglaban nang pursigido ang mga consumers na apektado at nagrereklamo," dagdag ng lider militante.

Kanina, sinabi ng Bayan Muna party-list na sisiguraduhin nilang makakasuhan ang Manila Water upang masigurong mabigyan ng diskwento ang mga naaargabyadong consumer. — may mga ulat mula sa News5 at One News

vuukle comment

MANILA WATER

MAYNILAD

MWSS

WATER INTERRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with