^

Bansa

Pagbuwag sa PhilHealth tinutulan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pagbuwag sa PhilHealth tinutulan
Ginawa ni Duque ang naturang pahayag sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng PhilHealth hinggil sa sinasabing “ghost” dialysis treatments.

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III  na tutol siya sa ideya na dapat nang buwagin ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ginawa ni Duque ang naturang pahayag sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng PhilHealth hinggil sa sinasabing “ghost” dialysis treatments.

Idiniin ni Duque na kailangan lamang repasuhing muli ang mga patakarang sinusunod ng PhilHealth sa mga programa nito.

Bukod dito, maha­laga rin aniya na mapunuan ang aniya’y mga “gaps” o butas sa mga patakarang ito upang sa gayon ay hindi na maulit pa ang issue na ito sa hinaharap.

Nabatid kamakailan lang ay sinampahan ng kasong estafa ang isa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Bryan Sy.

Nahaharap naman sa “complex crime” ng estafa through falsification of official documents ang whistleblowers na sina dating assistant manager Edwin Roberto at Liezel Aileen Santos de Leon.

Ito ay matapos na mabunyag na kumukuha pa rin ng claims ang WellMed sa PhilHealth kahit pa matagal nang patay na ang mga pas­yenteng ipinangalan sa dialysis treatments nito.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORP.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with