^

Bansa

‘China ano’ng totoo’ – Digong

Rudy Andal, Patricia Viray - Pilipino Star Ngayon
�China ano�ng totoo� � Digong
Dapat hintayin ang resulta ng imbestigasyon kaugnay ng maritime incident sa Recto Bank, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mensahe nito sa anibersaryo ng Philippine Navy kahapon sa Sangley point, Cavite City.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Ito ang naging ta­nong ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng maritime incident sa Recto Bank kung saan lumulubog ang fishing boat lulan ang 22 Pinoy na mangi­ngisda.

Dapat hintayin ang resulta ng imbestigasyon kaugnay ng maritime incident sa Recto Bank, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mensahe nito sa anibersaryo ng Philippine Navy kahapon sa Sangley point, Cavite City.

“A maritime incident is a maritime incident. I will not issue a statement because there is no investigation and no result. Wait and give the other party the right to be heard. China, ano ba dito ang totoo?,” wika pa ng Pangulo. 

Nanindigan ang Pangulo na hindi muna siya magbibigay ng pahayag hinggil dito hanggang hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Samantala, hindi na makikipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kapitan ng bangkang Pilipino na binangga at pinalubog ng isang Chinese vessel, ayon sa ulat.

Papunta na sa May­nila noong Linggo si Junel Insigne, kapitan ng F/B GEMVIR 1, nang tawagan siya ng kanyang asawa at pinauwi na siya sa kanilang bahay sa San Jose, Occidental Mindoro.

Dapat sanang ma­kipagkita kay Duterte nitong Lunes ang kapitan at ang may-ari ng bangka.

Nauna rito, kinansela ng pamahalaan ang pulong ng isang special Cabinet meeting na tatalakay sana sa banggaan ng mga bangkang Pinoy at Intsik malapit sa Recto bank noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ni Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea na kinansela ang pulong kahapon.

vuukle comment

RECTO BANK

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with