^

Bansa

Bayan Muna kinundena ang pagpatay sa dating Bicol coordinator

Philstar.com
Bayan Muna kinundena ang pagpatay sa dating Bicol coordinator
Pinagbabaril si Morada sa San Isidro, Naga City kaninang ika-8 ng umaga, Hunyo 17, bago pumasok sa trabaho.
Wikimedia Commons/Mike Gonzalez

MANILA, Philippines — Mariing kinundena nina Bayan Muna chair Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ngayong araw ang pagpatay sa dating punong panrehiyon ng Bayan Muna sa Bikol na si Neptali Morada.

Pinagbabaril si Morada sa San Isidro, Naga City kaninang ika-8 ng umaga, Hunyo 17, bago pumasok sa trabaho.

“This is a very dastardly and cowardly act, coming as it is on the heels of the twin-murder of human rights activists Ryan Hubilla and Nelly Bagasala just the other day in Sorsogon City,” sabi ni Colmenares.

(Ubod ng sama at karuwagan nito, dali-dali itong sumunod sa pagpaslang sa mga aktibista para sa karapatang pantao na sina Ryan Hubilla at Nelly Bagasala noong kamakalawa lamang sa Sorsogon City.)

Pagpatay kina Hubilla at Bagasala sa Sorsogon

Noong nakaraang Sabado ay pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki sina Hubilla, 22-anyos, at Bagasala, 69-anyos. Ang dalawa ay miyembro ng Karapatan, isang grupo na nagsusulong ng karapatang pantao.

Si Morada na ang ikatlong napatay na aktibista sa Bikol sa loob lamang ng tatlong araw.

Sinabi rin ni Rep. Zarate: “[I]t appears that rabid attack dogs are now going all out to eliminate activists and progressives. But make no mistake, the long arm of people’s justice will eventually make these perpetrators pay for their actions.”

(Mukhang ginagawa na ng mga mababangis na aso ang lahat para mapuksa ang mga aktibista't mga progresibo. Ngunit huwag magkamali, balang araw ay pagbabayarin din ng kamay ng hustisya ang mga salarin para sa kanilang mga kagagawan.)

“This madness should stop. We are calling all freedom loving people to stand up and condemn these vicious and ruthless attacks against activists and human rights defenders,” dagdag pa ng kinatawan ng Bayan Muna.

(Dapat matigil na ang kabaliwang ito. Nananawagan kami sa lahat ng mga mapagmahal sa kalayaan na tumayo at kundenahin ang mga malupit at walang habas na pag-atake sa mga aktibista at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao.) — Philstar.com intern Gab Alicaya

vuukle comment

BAYAN MUNA

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with