Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Arnold Carreon, nasamsam ng PDEA-National Capital Regional Police Office ang nasa 2,750 piraso ng tabletas ng ecstacy, 200 gramo ng cocaine at 14 vials ng vape liquid sa isang high-end hotel na nasa Bonifacio Global City (BGC).
Miguel de Guzman
P5.7 M cocaine, ecstacy nasamsam sa BGC hotel
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P5.7 milyong halaga ng party drugs na nakaimbak sa safety deposit box ng isang hotel sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Arnold Carreon, nasamsam ng PDEA-National Capital Regional Police Office ang nasa 2,750 piraso ng tabletas ng ecstacy, 200 gramo ng cocaine at 14 vials ng vape liquid sa isang high-end hotel na nasa Bonifacio Global City (BGC).

Ang safety box ay nasa loob ng kuwarto na inupahan at iniwan ng drug suspect na si Domingo Uy na umano’y pinakamalaking supplier ng droga sa mga bar sa BGC.

Target umano ng pagsalakay si Uy na sinasabing siyang nagrenta ng naturang safety deposit box.

Una na ring naaresto ng mga awtoridad si Uy noong Mayo 21 matapos makuhanan ng P8.5 mil­yong halaga ng droga sa kaniyang inuupahang isa pang kuwarto sa naturan ding hotel.

Nakikipag-ugnayan na ang PDEA sa mga hotel at iba pang katulad na establisimyento sa lugar laban sa iligal na droga na maaaring nagagamit ng mga sindikato na nagpapakalat ng party drugs.

Si Uy ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Mer Layson)

ARNOLD CARREON PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with