Ayon kay Sen. Koko Pimentel, magkakaisa ang mga kasapi ng PDP-Laban upang matiyak na sa kanilang hanay manggagaling ang bagong Speaker.
Next Speaker galing dapat sa PDP-Laban
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat magmula sa partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban ang susunod na Speaker ng House of Representatives.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, magkakaisa ang mga kasapi ng PDP-Laban upang matiyak na sa kanilang hanay manggagaling ang bagong Speaker.

“We will stand united in ensuring that we will have a Speaker who can truly work not only with his peers in the House but also with the members of the Senate,” pahayag ni Pimentel, pangulo ng PDP-Laban.

Itinalaga naman ni Pimentel si Sen. Manny Pacquiao upang siyang mag-anunsiyo kung sino ang susuportahan ng PDP-Laban sa pagiging Speaker.

Ayon kay Pacquiao, kokonsultahin ng partido si Pangulong Duterte kung sino ang isasabak nila sa labanan ng Speakership.

Hindi pa rin pinal kung sino ang kanilang magiging pambato kaya kokonsulta rin sila kay Duterte, chairperson ng PDP-Laban.

Magugunita na nagkaroon ng pulong ang PDP-Laban sa bahay ni Pacquiao kamakailan kasama ang nasa shortlist sa speakership na sina Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, Pampanga Rep. Aurelio Gonzales at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Sinabi rin ni Pimentel na nasa 94 congressmen ang miyembro ng kanilang partido sa susunod na 18th Congress bukod pa sa mga party-list congressmen na kakampi nila.

Inanunsiyo kamakalawa ni Pwersa ng Ba­ya­ning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles na dalawa na lamang ang pinagpipi­lian ng 54-strong party­list bloc na susuportahan nilang speaker sa pagitan nina Rep. Velasco at incoming Leyte Rep. Martin Romualdez.

Ayon kay Nograles, ang dalawang humahabol sa speakership na ito ang nakikita nilang seryoso, sinsero at parehas ang pagtingin sa mga partylist congressmen.

KOKO PIMENTEL RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with