Cardema hindi pa tiyak

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Commission on Elections­ na hindi pa nakakatiyak si dating National Youth Commission Chairman Ro­­nald Cardema na ma­­­kukuha nito ang pagsang-ayon ng Comelec sa kan­yang petisyon na katawanin ang Duterte Youth partylist sa House of Representatives.

Sinabi ni Comelec Commissioner Luis Tito Guia na takda pa lang silang magdaos ng pagdinig sa iba’t-ibang petisyong kumokontra sa aplikasyon ni Cardema sa substitute-nominee ng grupo.

Sinabi ni Guia na, ba­gaman nagdesisyon ang Comelec na bigyang-daan­ ang aplikasyon ni Cardema, hindi pa sila nagdedesisyon kung kuwalipikado ito.

Show comments