Ito ang nakasaad sa pinal na limang pahinang resolusyon ng Korte Suprema kung saan ito rin ang kanilang desisyon noong Oktubre 9, 2018.
Boy Santos
Filipino, Panitikan tanggal na sa college curriculum
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari nang alisin sa kolehiyo ang subject na Filipino at Panitikan (Philippine Literature).

Ito ang nakasaad sa pinal na limang pahinang resolusyon ng Korte Suprema kung saan ito rin ang kanilang desisyon noong Oktubre 9, 2018.

Ayon sa SC, walang bagong inihain na pleadings ang mga petitioner upang mabaligtad ang naunang desisyon.

“No further pleadings or motions shall be entertained in this case. Let entry of final judgment be issued immediately,” nakasaad sa resolution.

Pinaboran ng SC ang memorandum order No. 20 ng  Commission on Higher Education (CHEd) na ibaba sa 36 units ang general education (GE) curriculum at tanggalin na ang Filipino at Panitikan.

Kinuwestiyon ito ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino sa pagsasabing nakasaad sa Konstitusyon na dapat na isama ang Filipino at Panitikan subject sa curriculum at sa lahat ng antas.

Binigyan diin pa ng SC na sa pagbabawas ng subject, hindi naman ito makakaapekto sa academic freedom ng mga unibersidad at kolehiyo.

Dagdag pa ng SC, ang K-12 law, ay maituturing na police power measure na maglalayong ipromote ang interes ng publiko sa pag-aaral at hindi na iilan lamang.

FILIPINO AT PANITIKAN KORTE SUPREMA PHILIPPINE LITERATURE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with