Palasyo hands off sa Speakership
MANILA, Philippines — Hindi makikialam ang Malacañang kung sino ang mahahalal na bagong Speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagbubukas ng 18th Congress.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi ugali ni Pangulong Rodrigo Duterte na panghimasukan ang aktibidad ng Kongreso.
Ayon kay Panelo, kahit sino ang maging House Speaker ay handa ang Malacañang na makatrabaho ito lalo na sa mga legislative agenda ng administrasyon.
Batay sa report, matunog ang pangalan nina Congressmen elect Alan Peter Cayetano, Martin Romualdez, Lord Allan Velasco at dating Speaker Pantaleon Alvarez.
Nagpahayag din noon si Davao Rep. Antonio Floirendo na maging speaker subalit hindi pinalad na manalong kongresista.
- Latest