Tawilis sa Laguna lake, dumami na

MANILA, Philippines — Dumami na ang bilang ng isdang tawilis sa Laguna lake. Ito ay makaraang ipatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ban sa paghuli ng naturang isda mula nitong Marso hanggang Abril ng taong ito.

Ayon sa BFAR, hindi lamang dumami kundi lumaki na rin ang mga isda sa lugar.

Naipatupad ang closed season ng tawilis sa Taal Lake dahil sa pagkonti ng kanilang bilang sa lawa dahil sa umano’y mga illegal commercial fishers  sa lugar.

Wala pang anunsiyo ang BFAR kung kalian maaari nang manguha ng isdang tawilis sa lawa.

Show comments