Duterte inatake ng migraine, hindi nakadalo sa gala dinner

Si Pangulong Duterte habang binibigyang diin ang kahalagahan ng infrastructure connectivity sa pag-unlad sa kanyang speech sa 2nd Belt and Road Forum sa China.

MANILA, Philippines — Hindi nakadalo ng gala dinner kamakalawa ng gabi si Pangulong Duterte sa Belt and Road Forum matapos atakihin ng migraine. Ito ang nabatid kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaugnay sa hindi pagsipot ng Pangulo.

Ang gala dinner ay ibinigay ni Chinese President Xi Jinping at ginanap sa Great Hall of the People  para sa mga bumibisitang world leaders.

Hindi naman binanggit ni Panelo kung nagpadala ng kinatawan ang Pangulo sa nasabing event.

Nauna rito, sinasaksihan ng Pangulo ang pag­lagda sa 19 trade at investment deals sa Grand Hyatt Hotel sa Beijing. Umabot sa $12 bilyon ang halaga ng investments na pinasok ng Pilipinas at Chinese companies sa nasabing Belt and Road Forum.

Nakatakdang bumalik ang Pangulo sa bansa kagabi, araw ng Sabado.

Show comments