^

Bansa

Pangasinan governor inihabla sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon
Pangasinan governor  inihabla sa Ombudsman
Sa tatlong pahinang reklamo na isinampa ni Michelle Anne B. Celino sa tanggapan ng Ombudsman for Luzon noong Abril 16, 2019, inakusahan nito si Espino ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act matapos umanong malustay ang P13 milyon para sa pagpapagawa ng sports oval track and event stage noong 2018 kung saan maituturing umano itong overpriced.

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman si Pangasinan Gov. Amado Espino III dahil sa umano’y maanomalyang pagpapagawa sa sports oval track sa Alaminos City National High School sa Barangay Magsaysay, Pangasinan.

Sa tatlong pahinang reklamo na isinampa ni Michelle Anne B. Celino sa  tanggapan ng Ombudsman for Luzon noong Abril 16, 2019, inakusahan nito si Espino ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act matapos umanong malustay ang P13 milyon para sa pagpapagawa ng sports oval track and event stage noong 2018 kung saan maituturing umano itong  overpriced.

Dinala umano ni Espino ang nasabing halaga sa pagpapagawa ng naturang proyekto matapos ganapin sa Alaminos City National High School ang 2018 Region 1 Athletic Association Meet. Ginamit din umano ito sa pagtatambak ng  lupa, pagpapaaspalto ng oval at pagpapagawa ng bleachers at stage sa idineklarang halaga ni Espino.

vuukle comment

AMADO ESPINO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with