Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, “record breaking” ang naitalang ito, dahil na rin sa mabusising trabaho ng mga abogado ng PDEA at pakikipagtulungan ng kanilang mga testigo na dumalo sa pagdinig ng korte.
FIle
Pusher na nahatulan ng guilty, tumaas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumaas ng 46.82 percent ang mga tulak ng droga na nahahatulan ng guilty sa kani-kanilang kaso.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, “record breaking” ang naitalang ito, dahil na rin sa mabusising trabaho ng mga abogado ng PDEA at pakikipagtulungan ng kanilang mga testigo na dumalo sa pagdinig ng korte.

Noong 2017 ay kabuuang 41,224 kaso ang naisampa ng PDEA sa korte pero 35-percent lamang ang conviction rate. Ngunit nitong nakalipas na 2018 ay 41,583 cases ang nai-file at 46.82 percent sa mga ito ang nahatulan ng guilty.

Ito ang pinakamataas na “conviction rate” sa drug cases na naisampa sa korte ng PDEA mula ng umupo sa puwesto si Director General Aquino.

Ayon kay Aquino, aktibo ang ginagawang partisipasyon ng mga abogado ng PDEA at masipag dumalo sa pre-trial proceedings at litigasyon ng korte.

Isa pang dahilan ng mataas ng conviction rate ay ang pagtatatag ng “PDEA’s Project Court Watch” na nagmomonitor sa bawat kasong kanilang naisasampa sa korte.

Nagtalaga ang PDEA ng liaison officers sa bawat regional office na ang tanging trabaho ay tingnan ang status at progreso ng kaso.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with